Nagpaabot si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng pakikiramay kay UAE Prime Minister His Highness Sheikh Mohammed bin Rashid Al Maktoum sa pagpanaw ng kapatid nito na si His Highness Sheikh Ahmed bin Rashid Al Maktoum.
Sa mensahe ng Pangulo, sinabi nito na ang mga Pilipino at ang pamahalaan ng Pilipinas, maging ang Marcos Family, ay kaisa ng mga mamamayan ng Dubai at ng Al Maktoum family sa pagdadalamhati na ito.
Ipinananalangin ng Pangulo na mabigyan ng katatagan ang Al Maktoum family sa gitna ng pinagdaraanan ng mga ito sa kasalukuyan.
“May God grant him mercy and eternity in Paradise, and grant the Al Maktoum family patience, strength, and solace during these difficult times.” -Pangulong Marcos.