Humarap ngayong araw si Department Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince Dizon sa Sandiganbayan 5th Division para tumestigo sa graft trial laban kay dating Representative Zaldy Co at iba pang akusado kaugnay ng umano’y anomalya sa ₱289-milyong flood control project sa Oriental Mindoro.
Sa panayam matapos ang pagdinig, sinabi ng kalihim na personal niyang bineripika ang impormasyon na tatlong metro lamang ang lalim ng sheet pile na ginamit sa proyekto, sa halip na 12 metro.
Ayon kay Dizon, nakita rin niya mismo ang ilang bahagi ng road dike project sa Naujan na gumuho na dahil sa mahinang pundasyon.
Giit ng kalihim, hindi na maaaring simpleng ipa-rectify o ayusin ang proyekto dahil kailangan umanong gibain ang istruktura.