Naglabas ng mga panuntunan ang Bureau of Internal Revenue (BIR) para sa electronic invoicing bilang paghahanda sa mandatory compliance deadline sa December 31, 2026.
Saklaw nito ang ilang small, medium, at large taxpayers na may e-commerce o internet transactions, pati malalaking taxpayer at mga gumagamit ng computerized accounting system.
Ayon kay BIR Commissioner Charlito Martin Mendoza, ang mga taxpayer na sakop ng mandatory requirement ay kailangang magsimulang mag-isyu ng electronic invoices bago o pagsapit ng December 31.
Hindi naman saklaw ng mandatory electronic invoicing ang mga micro taxpayer.
Maaaring gumamit ang mga taxpayer ng sariling electronic invoicing system, commercial software o serbisyo ng Electronic Invoicing Service Provider.
Sinabi ni Mendoza, hiwalay ang electronic invoicing sa electronic sales reporting, na sasaklawin naman ng hiwalay na panuntunan na ilalabas ng ahensya.