Upang magkaroon ng maayos na lugar na pagtitindahan ang mga vendor ng Lungsod ng Pasay at Parañaque maging ang maayos na transport hub.
Nagsagawa ng Groundbreaking Ceremony ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), Philippine Reclamation Authority (PRA) kasama ang Pasay at Parañaque LGU para Bagong Baclaran Multimodal and Market Hub sa Redemption Inland Channel, Aseana, Parañaque City, ngayong umaga.
Kung saan pinangunahan nina MMDA Chairperson Atty. Don Artes, Parañaque City Mayor Edwin Olivarez, Pasay City Mayor Imelda Calixto-Rubiano, PRA Chair Atty. Alexander Lopez, at iba pang opisyal ang nasabing groundbreaking ceremony.
Layunin ng proyekto na isulong ang mas ligtas at mas maayos na komersyal na kapaligiran, at pagbutihin ang koneksyon ng pampublikong transportasyon, para sa kapakan ng ating mga kababayan.
Inaasahang matatapos ang unang phase ng proyekto sa Disyembre ng susunod na taon.