Ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang ilan sa mga napag-usapan nila ni European Commission President Ursula von der Leyen, kung saan isa sa mga naging paksa ay ang substantial conclusion ng mga negosasyon para sa Philippines-European Union Free Trade Agreement.
Sabi ng Pangulo, mahalagang milestone ito sa pagpapatatag pa ng ugnayan ng Pilipinas at European Union, lalo na sa kapwa pagsusulong ng bukas at patas na kalakalan.
Binigyang-diin ni Pangulong Marcos na ang kasunduang ito ay magbibigay ng mas maraming negosyo at pamumuhunan sa bansa, lilikha ng mas maraming trabaho at susuporta sa mas matatag at mas diversified na supply chain.
“The agreement will bring more opportunities for business and investment, create more jobs and support stronger and more diversified supply chains.” -Pangulong Marcos.
Sabi ng Pangulo, pagsusumikapan ng magkabilang panig na ang mga oportunidad bunsod ng kasunduan ay maramdaman ng mga Pilipinong magsasaka, manufacturers, consumers at maliliit na negosyo.
“We will work to ensure that these opportunities reach our Filipino farmers, manufacturers, consumers and MSMEs, while opening new possibilities for the Philippines in AI, digital technologies and other important sectors.” -Pangulong Marcos.
Sabi ni Pangulong Marcos, looking forward na sila sa pormal na konklusyon at paglagda ng makasaysayang kasunduan na ito.
“We look forward to the formal conclusion and eventual signing of this landmark agreement.” -Pangulong Marcos.