Photo courtesy of Social Weather Stations (SWS)
Nasa 42% ng mga Pilipino ang nakatutok sa impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado, ayon sa 3rd Quarter 2026 Social Weather Survey ng Social Weather Stations (SWS).
Batay sa survey, 15% ang nagsabing sinusubaybayan ng mabuti ang paglilitis habang 28% ang ‘somewhat closely’ o medyo nakasunod sa pagdinig.
Samantala, 21% ang bahagya lamang na nakasubaybay, 27% ang hindi talaga sumusunod, at 9% ang sa panahon lamang ng survey narinig ang tungkol sa impeachment trial.
Lumalabas din na 50% ng mga respondent ang naniniwalang nabibigyan ng patas na konsiderasyon ang panig ng prosekusyon at depensa. Gayunman, 39% ang nagsabing masyadong mabagal ang paglilitis, 31% ang naniniwalang nasa tamang usad ito, at 22% ang nagsabing masyadong minamadali ang proseso.
Isinagawa ang survey mula September 21-27 sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adult filipinos nationwide.