Target ng National Food Authority (NFA) na bumili ng 100,000 sako ng palay sa Negros Occidental ngayong taon.
Kasunod ito ng pagbaba ng buffer stock na kasya na lang sa isang araw, malayo sa mandato ng ahensya na 15-day reserve.
Hinikayat naman ni NFA Negros Occidental Branch Manager Cherrybeth Gevero ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang palay sa NFA para matiyak ang sapat na buffer stocks, lalo na sa panahong may kalamidad at emergency.
Sa kasalukuyan ay bumibili ang ahensya ng dry palay na may 11% hanggang 14% moisture content, sa halagang ₱30 per kilo.
Bigo namang maabot ng mga magsasaka ang quality specifications dahil sa kakulangan ng post-harvest equipment, tulad ng mechanical dryers.
Para masuportahan ang mga magsasaka at mapalakas ang procurement, lumalapit ang NFA sa mga farming community at nagbibigay ng sasakyan para kolektahin ang mga nabiling palay direkta sa mga sakahan.