Photo courtesy of Department of Social Welfare and Development (DSWD)
Dinagdagan pa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang relief supplies nito sa lalawigan ng Batanes.
Katuwang ang Philippine Coast Guard (PCG), sama-samang ikinarga ang mga kahon ng Family Food Packs (FFPs) sa BRP Corregidor sa Pier 13, Maynila.
Tinatayang 7,000 FFPs ang ipapadala sa lalawigan para matiyak ang pagkakaroon ng sapat na suplay ng pagkain para sa mga pamilyang maaaring mangailangan ng tulong sa panahon ng kalamidad.
Bahagi ito ng patuloy na paghahanda ng DSWD, para sa maagap na paghahatid ng tulong, lalo na sa mga Geographically Isolated and Disadvantaged Areas (GIDA) o mga liblib at mahirap marating na komunidad.