Sisimulan na ngayong October 23 ang trade talks sa pagitan ng Pilipinas at Japan sa harap ng inaasahang pagtatapos sa pagrepaso ng economic partnership agreement sa susunod na buwan.
Ayon kay Department of Trade and Industry (DTI) Secretary Ma. Cristina Roque, pangungunahan ng kanilang Bureau of International Trade Relations ang negosasyon sa Japan na tatagal hanggang October 26.
Bago pa man ang trade talks ay nauna nang nakausap ng kalihim ang trade minister at iba pang Japanese official.
Samantala, nakadepende naman ang susunod na round ng pag-uusap sa magiging resulta ng trade talks. Kabilang ang saging sa isinusulong ng Pilipinas sa negosasyon kung saan sisikaping mapababa o tuluyang maalis ang seasonal tarrifs ng Japan, na kasalukuyang nasa 8% hanggang 18% sa ilalim ng Philippines-Japan Economic Partnership Agreement. | ulat ni Angela Peñalosa