Pinasinayaan na ang Sulu Hall of Justice na pinangunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. at ni Supreme Court Chief Justice Alexander Gesmindo.
Lagpas isang taon din nang masimulan ang pagpapatayo ng gusali na pinondohan ng 280 milyon pesos sa inisiyatibo ni Sulu 1st District Representative Samier Tan.
Sa kaniyang mensahe, binigyang-diin ni Pangulong Marcos Jr. na dapat maabot ang hustisya ng bawat mamamayan Filipino, at nararapat lamang na tiyakin ng bawat institutsyon ang paninindigan sa batas, maging proteksyon ng buhay ng tao at mailapit sa publiko ang serbisyo ng pamahalaan.
Batid ng Pangulo ang kahalagahan ng kaganapang ito, ang limitadong pasilidad aniya ay malaking balakid sa pagpapababa ng judicial services sa lalawigan.
Ang pagpapatayo ng Sulu Hall of Justice ay isang konkretong hakbang upang maramdaman ng mamamayan sa pulong lalawigan ang hustisya, ito rin ay suporta sa hudikatura para sa episyenteng serbisyo.
Personal din dumalo ang mga associate justices ng Korte Suprema. Nakiisa rin sina Sec. Antonio Lagdameo, Education Sec. Sonny Angara, at Justice Sec. Fredderick Vida.



