Nagkaroon ng pagkakataon sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Japanese Prime Minister Sanae Takaichi na makapag-usap sa telepono ngayong araw (October 20).
Sa pag-uusap na ito, tinalakay ang nalalapit na ASEAN Summit sa November.
Nabuksan din ang ilang regional developments at nagpalitan ng opinyon kaugnay ng mga usaping kapwa nakaaapekto sa dalawang bansa.
Natalakay rin ang ilang bilateral cooperation sa pagitan ng Tokyo at Maynila.
Kabilang dito ang pagtutulungan sa energy security, defense, at peace consolidation efforts sa Mindanao.
Nagpahayag din ang lider ng patuloy na suporta sa pagsusulong ng regional resiliency sa pamamagitan ng Luzon Economic Corridor (LEC).