Itinurn-over ng Philippine Fiber Industry Development Authority (PhilFIDA) Regional Office IX ang Abaca Processing Center sa Josefina Abaca Farmers Agriculture Cooperative (JAFARCO) sa probinsya ng Zamboanga del Sur.

Pinangunahan ni PhilFIDA Executive Director Arnold “Ali” Atienza ang naturang seremonya kasama ang mga kawani ng ahensya at ang pamahalaang lokal ng Josefina.
Sa pamamagitan ng Abaca Processing Center, inaasahang mapapahusay ang kapasidad sa pagproseso at ang produktibidad ng mga magsasaka ng abaca sa nasabing lalawigan.
Pagtitibayin din sa pamamagitan ng pasilidad ang mga oportunidad sa kabuhayan para sa mga pamilya ng mga magsasaka sa Josefina at mga katabing bayan.
Itinampok din sa seremonya ang unveiling ng signage at marker ng pasilidad, ang pag-turnover ng Key of Responsibility, at ang paglagda sa Pledge of Commitment sa pagitan ng mga katuwang na ahensya at mga benepisyaryo.
Patuloy ding magbibigay ng suporta ang mga ahensya ng pamahalaan upang masiguro ang napapanatiling pamamahala ng JAFARCO sa pasilidad at mapakinabangan ito ng komunidad.
📷 PhilFIDA Region IX