Sinimulan nang ipadala ng Commission on Elections (Comelec) ang election paraphernalia para sa special election sa Batanes, na gaganapin sa November 28.
Ang special poll ay para punan ang bakanteng posisyon sa House of Representatives makaraang pumanaw si Batanes Representative Ciriaco Gato Jr., nitong September 21.
Ayon kay Comelec Chair George Garcia, magpapatuloy ang deployment ngayong linggo.
Magsasagawa naman ng pilot-test para sa pagpapadala ng election results, sa pamamagitan ng Viber app o text message upang mapabilis ang vote canvassing sa araw ng halalan.
Kailangan naman ng consent ng mga kandidato at political party para sa bagong transmission method.