Halos 300,000 sako ng bigas ang naipamahagi ng Caloocan City government sa mga pamilyang nangangailangan mula Mayo hanggang October.
Kabilang sa mga benepisyaryo ang senior citizens na walang pensyon, persons with disabilities, guro, mag-aaral, at minimum wage earners.
Kasama ni Mayor Along Malapitan sa distribusyon ngayong araw, October 20, si First Lady Louise Araneta-Marcos.
Layunin ng programa na makatulong sa mga pamilyang apektado ng mataas na presyo ng mga bilihin.
Ayon naman sa Unang Ginang, malaking tulong ang bigas sa mga pamilyang nahihirapang makaraos sa kasalukuyang sitwasyon.