Isinusulong ng National Commission on Indigenous Peoples (NCIP) ang mas mabilis na pagkilala at proteksyon sa karapatan ng mga katutubo sa kanilang lupang ninuno.
Ito ang binigyang-diin ni NCIP Secretary Nancy Catamco sa Land and Justice Summit 2026 ng Korte Suprema.
Tinalakay ni Catamco ang mga hakbang ng ahensya para mapabilis at mapahusay ang proseso ng delineation ng mga lupaing ninuno.
Layunin ng Summit na palakasin ang koordinasyon ng mga ahensya ng pamahalaan sa pagresolba ng mga alitan sa lupa.
Patuloy namang nakikipagtulungan ang NCIP sa mga kinauukulang institusyon upang matiyak na kinikilala at nirerespeto ang karapatan ng mga katutubo.