Gambling tycoon na si Charlie “Atong” Ang, nakalabas na ng bansa — DILG
Kinumpirma ni DILG Secretary Jonvic Remulla na nakalabas na ng bansa ang gambling tycoon at negosyanteng si Charlie “Atong” Ang.
Ayon kay Remulla, tumakas palabas ng Pilipinas si Ang sa pamamagitan ng “backdoor.”
Tumanggi namang magbigay ng iba pang detalye si Remulla kung kailan at paano nakaalis ng bansa si Ang.
Hindi rin sinabi ng kalihim kung saan ang huling lokasyon ng gambling tycoon dahil nagpapatuloy ang imbestigasyon.
Matatandaang pinaghahanap si Ang kaugnay ng umano’y pagdukot at pagpatay sa mga nawawalang sabungero mula 2021 hanggang 2022.
About the Author
Rodel Come
Editor
Ivatan born. Graduate of the Technological Institute of the Philippines – Quezon City (TIP-QC). Currently, I serve in the Digital Media Division of the Presidential Broadcast Service