Nananatiling naka-standby at alerto ang Operations Center ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) Kalinga dahil sa Super Typhoon Champi na nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility (PAR).
Ayon kay Jeswinder Basiwal ng Operations Section ng PDRRMC-Kalinga, hindi pa itinataas ang alert status ng Operations Center dahil wala pang nararamdamang epekto ng bagyo sa lalawigan.
Gayunman, kahit wala pang epekto ang Super Typhoon Champi, mahalagang laging handa sa posibleng kalamidad.
Naka-standby rin ang mga responder, kagamitan, at mga nakaimbak na pagkain at non-food items sa regional warehouse na maaaring gamitin sakaling magkaroon ng kalamidad. | ulat ni Aquino Perez | RP Tabuk

