Screengrab from French President Emmanuel Macron's Facebook Livestream
Hindi tinanggap ni French President Emmanuel Macron ang inihaing pagbibitiw sa puwesto ni Interior Minister Laurent Nuñez.
Ito’y sa gitna ng mga malawakang kilos-protesta sa Pransya nitong weekend na nagresulta sa pagkasunog ng ilang gusali at pagkasugat ng maraming indibidwal buhat sa sagupaan ng mga pulis at mga demonstrador.
Ayon kay Macron, mananatili si Nuñez sa kaniyang tungkulin upang masiguro ang chain of command sa hanay ng pulisya at security forces.
Inatasan din ng French leader ang ministro na lumikha ng mga agarang tugon sa mga insidente ng nakawan sa gitna ng mga protesta.
Nag-ugat ang mga demonstrasyon mula sa mataas na gastos sa pamumuhay sa Pransya, humihinang serbisyo publiko, at estado ng mga paaralan doon.
Kaugnay nito, kinondena ni Macron ang mga gumagawa ng karahasan sa mga protesta, kasabay ang hiling na kahinahunan sa mga mamamayan.