Pinasinayaan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang unang pampublikong electric vehicle (EV) charging station sa Manila City Hall.
Isinagawa ang pagbubukas sa Kartilya ng Katipunan, katuwang ang ACMobility.
May isang 30-kilowatt DC charger at isang 22-kilowatt AC charger ang pasilidad para sa mabilis at karaniwang pag-charge ng mga EV. Bukas ito sa publiko, kabilang ang mga walang sariling charging facility.
Ayon kay Domagoso, layunin nitong mabawasan ang pangamba ng mga motorista na maubusan ng baterya habang nasa biyahe.
Plano ring maglagay ng karagdagang charging station sa Bagong Ospital ng Maynila at Sta. Ana Hospital bago matapos ang 2026.
📸 Manila LGU

