Pinuri ni Bureau of Customs (BOC) Commissioner Ariel Nepomuceno ang Port of Iloilo sa koleksiyon ng kita, pagbabantay sa mga hangganan, at pagpapabilis ng kalakalan, kasabay ng ika-171 anibersaryo nito.
Umabot sa ₱3.19 bilyong piso ang nakolekta ng pantalan mula Enero hanggang Agosto 2026, sa pamumuno ni District Collector Noli Santua Jr.
Mas mataas ito nang 11.9% o ₱341.35 million sa target na koleksiyon.
Sa pagdiriwang noong Oktubre 7, kinilala rin ang mga katuwang na organisasyon at stakeholder sa kanilang ambag sa operasyon ng pantalan.
Pinasalamatan naman ni Santua ang mga kawani sa kanilang serbisyo at pagtutulungan upang mapahusay ang operasyon ng BOC–Port of Iloilo.
