Dumating na sa National Bureau of Investigation (NBI) ngayong hapon si Daniel Lawrence Vivar, isa sa host ng Machong Chismisan podcast.
Si Vivar ay humarap sa NBI alinsunod sa subpoena na ipinadala sa kanya para sa imbestigasyon sa di umanoy pangungutya nila sa anak ni Kris Aqunio na si Joshua Aquino sa kanilang podcast.
Tikom naman ang bibig ni Vivar at tumangging humarap sa media pero kasama rin nya na sasagot sa subpoena ang kanyang abogado.
Matatandaan na isa lang si Vivar sa limang host ng podcast na ipinasubpoena ng NBI. Sinabi na rin no NBI Director Melvin Matibag hindi sapat ang sorry lang sa ginawa nitong pagtawa sa kapansanan ni Josh Aquino dahil may pananagutan ito sa batas.
Ayon kay Matibag posibleng magsampa ng reklamong cyber libel o kaya ay paglabag sa karapatan ng mga kabataang may special needs laban sa limang hosts.