Bumisita si First Lady “Liza” Araneta-Marcos sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa City ngayong araw bilang bahagi ng layunin ng pamahalaan na tiyakin ang makataong pagtrato, maayos na pangangalagang pangkalusugan, at mabilis na na hustisya ng mga Persons Deprived of Liberty o PDLs.
Kasabay naman ng pagbisita ng unang ginang, inilunsad ang programa para sa mga PDL na may temang “Kulay, Kalinga, Katarungan at Kalayaan.”
Ayon kay Bucor Director General Gregorio Catapang Jr. sa ilalim ng programa magkakaroon ng karagdagang proyekto para sa nga PDL katulad ng painting lessons, libreng tulong-legal sa ilalim ng Katarungan Caravan, dermatology medical mission, at ang PagLaya Programme para sa mga nakatakda nang palayain.
Giit naman ni Catapang ang pagbisita ng unang ginang ay nagpapalita ng dedikasyon ng adminstrasyon ni Pangulong Ferdinand R Marcos Jr na magbigay pag-asa sa mga PDL kapag sila ay nakalaya. Ayon pa kay Catapang ang tagumpay ng piitan ay hindi sinusukat sa dami ng ikinukulong, kundi sa dami ng nakakalabas na handang humarap bilang bagong mamamayan.
Nagpasalamat naman si Capatang sa personal na pagtutok ng Unang Ginang sa dignidad at kapakanan ng mga PDL. Nakiisa rin sa programa ang mga opisyal mula sa Department of Justice, Commission on Audit, TESDA, at mga kilalang lider ng pribadong sektor.