Dumaan sa isang buwang training ang 244 front line tourism personnel sa bansa para sa nalalapit na 49th Asean Summit na isasagawa sa Nobyembre.
Ayon sa Department of Tourism (DOT) ang programa ay upang makapagbigay ng world-class service ang mga frontliners at maipakita ang hospidalidad ng mga Pilipino sa mga aktibidad.
Iba’t ibang personnel naman ang sinanay ng DOT mayroong bilang liaison officer, information officer at usher para sa mga venue, hotel at airports.
Dumaan sila sa masinsinang training para sa diplomatic standards, social graces, professional grooming, service excellence at recovery, teamwork, communications, at conference venue and logistics management.
Pagsusuotin ang mga tourism personnel ng Binakol isang tradisyunal na kasuotang Pilipino mula Ilocos Region.
Bukod naman sa mga tauhan mula DOT may mga sinanay din mula sa Cultural Center of the Philippines (CCP) ushering group, tourism, hospitality at diplomacy students mula mga unibersidad na accredited ng Philippine Tour Operators Association (PHILTOA).
Ayon naman kay Tourism Secretary Dita Angara-Mathay ang ASEAN Summit ay mgandang oportunidad upang ipakita ang kulturang pilipino. Nararapat lang na nakahanda ang industriya ng turismo upang maging maayos, maginhawa ang pagdating ng nga delegado at maramdaman nila ang mainit ng pagtanggap sa Pilipinas.