Mas mahigpit na seguridad at pinaigting na anti-crime operations ang ipinatutupad ng Northern Police District (NPD) sa CAMANAVA kaugnay ng ASEAN Summit 2026.
Sa ginanap na emergency conference, tinalakay ni NPD Police Brig. Gen. Benliner Capili ang mga posibleng banta at kahandaan ng mga tauhan.
Tinalakay rin ang deployment ng mga pulis at real-time monitoring sa mga lugar na nasasakupan ng NPD.
Inatasan ni Capili ang mga tauhan na manatiling alerto at maagap sa pagtugon upang matiyak ang seguridad at kaayusan sa CAMANAVA habang ginaganap ang ASEAN Summit.