Tiniyak ng Department of Energy (DOE) na may sapat na suplay ng produktong petrolyo ang Pilipinas sa kabila ng patuloy na pagtaas ng presyo nito sa World Market.
Katunayan ayon sa DOE aabot pa ng 55 days ang suplay para sa gasoline, 59 days naman para sa diesel, 190 days para sa kerosene, 60 days sa jet fuel at 35 days naman ang LPG.
Ayon naman sa DOE ang habang bumababa ang presyo ng gasolina at kerosene dahil sa dagdag na suplay patuloy pa rin ang pagtaas ng diesel dahil sa epekto pa rin ng shipment sa Middle East pero patuloy ang pagtiyak ng pamahalaan na may makukuha pang suplay ng langis sa bansa.
Patuloy din ang inventory at monitoring ng DOE sa mga suplay upang matiyak na bukod sa may sapat na suplay walang mananamantala sa presyo ng produktong petrolyo sa merkado.