Kalalapag pa lang ng Pilipinas, deretso na agad sa kulungan ang isang apatnapu’t dalawang taong gulang na lalaki na wanted sa kasong Violence Against Women and Children.
Batay sa ulat ng PNP Aviation Security Group o AVSEGROUP at Criminal Investigation and Detection Group o CIDG pagkalapag na pagkalapag ng suspek sa NAIA Terminal 1 noong Oktubre 18, 2026 ay agad itong inaresto ng mga otoridad
Kararating lang mula sa Seattle, USA, nang ihain sa kanya ang warrant of arrest na inisyu ng Regional Trial Court sa Rosario, Batangas.
Matapos basahan ng kanyang mga karapatan, agad na dinala ang suspek sa tanggapan ng CIDG para sa tamang dokumentasyon.
Ayon kay AVSEGROUP Director Police Brigadier General Dionisio Bartolome Jr., patuloy ang kanilang pakikipagtulungan sa iba pang mga otoridad upang matiyak na walang makatakas na may hininging pananagutan sa batas.