Nagsagawa ng inspeksiyon ang National Irrigation Administration o NIA sa mga solar-powered irrigation pump system sa Hagonoy, Davao del Sur upang matiyak ang maayos na operasyon ng mga ito sa gitna ng nararanasang matinding init ng panahon.
Isinagawa ang pre-maintenance at routine inspection msa mga pump system na nakumpleto noong 2025 sa mga barangay ng Sinayawan, Sacub, at San Isidro sa bayan ng Hagonoy sa Davao del Sur.
Layunin ng inspeksiyon na masuri ang kondisyon ng mga bomba at matukoy ang mga posibleng sira na nangangailangan ng pagkukumpuni upang matiyak ang tuloy-tuloy na suplay ng tubig para sa irigasyon.
Mahalaga ang pagpapanatili sa maayos na kondisyon ng mga pasilidad, lalo na sa panahon ng El Niño na maaaring magdulot ng kakulangan sa suplay ng tubig.
Sa pamamagitan nito, inaasahang matutulungan ng NIA na mapanatili ang sapat na tubig para sa mga pananim, masuportahan ang produksiyong agrikultural, at mapangalagaan ang kabuhayan ng mga benepisyaryong magsasaka.
📷 NIA XI