Magagamit na sa Provincial Hospital ng Southern Leyte ang ₱20-M Medical Assistance for Indigent and Financially Incapacitated Patients o MAIFIP Fund para sa mga pasyenteng nangangailangan ng tulong pinansyal sa pagpapagamot.
Ito ang inanunsyo ng Salvacion Oppus Yñiguez Memorial Provincial Hospital (SOYMPH) ngayong araw, Setyembre 22.
Naging posible ang paglalaan ng pondo sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Department of Health (DOH) Regional Office, Provincial Government of Southern Leyte, at pamunuan ng SOYMPH.
Kabilang sa mga tumulong sa pagsasakatuparan nito sina DOH Regional Director Dr. Exuperia Sabalberino, Governor Damian G. Mercado, Vice Governor Rosa Mercado, mga miyembro ng Sangguniang Panlalawigan, at Medical Center Chief I Dr. Ionne Castillones.
Inaasahang makakatulong ang pondo sa mga indigent at financially incapacitated patients, lalo na sa mga higit na nangangailangan ng serbisyong pangkalusugan.
Layunin nitong matiyak na may maaasahang tulong medikal para sa mga kapus-palad na mamamayan ng Southern Leyte.
📷 SOYMPH