Sa unang dalawang buwan ng implementasyon ng one-time Abatement Program para sa micro taxpayers, umabot na sa 6,234 ang aplikasyong natanggap ng Bureau of Internal Revenue (BIR).
Ayon sa BIR, kinabibilangan ito ng 1,352 micro taxpayers.
Mula naman sa mga nag-apply, aabot na rin sa 5,000 ang naaprubahan na saklaw ang mahigit ₱84.5 milyon na tax liabilities at penalties, habang ₱24.8 milyon naman ang nabayarang abatement fees.
Layon ng programa na matulungan ang micro taxpayers na ma-settle ang kanilang covered liabilities, maayos ang tax records at makabalik sa compliance.
Kabilang sa mga pasok sa programa ang micro taxpayers na may delinquent accounts, assessments at open stop-filer cases hanggang December 31, 2025.
Maaaring mag-avail ang qualified taxpayers na may basic taxes at penalties na hindi lalampas sa ₱80,000 kada taxable year, kapalit ng ₱5,000 abatement fee bawat taxable year.
Bukas naman ang programa hanggang December 31, 2026.