Photo courtesy of Department of Finance
Isinusulong ng Department of Finance (DOF) ang agarang pagpasa ng Multinational Minimum Tax (MMT) Act of 2026 upang maprotektahan ang karapatan sa pagbubuwis ng Pilipinas.
Target din ng panukalang batas mula sa Kamara na matiyak na makokolekta ang bansa ng patas nitong bahagi mula sa kita ng malalaking multinational enterprises (MNEs) na nag-o-operate sa bansa.
Layunin ng House Bill na ipatupad ang Qualified Domestic Minimum Top-up Tax (QDMTT), isang mahalagang bahagi ng Global Minimum Tax (GMT) framework na binuo sa ilalim ng Organisation for Economic Co-operation and Development (OECD) / Group of Twenty (G20) Inclusive Framework on Base Erosion and Profit Shifting (BEPS).
Sa ilalim ng nasabing framework, ang mga MNE groups na may taunang pinagsama-samang kita (consolidated revenues) na hindi bababa sa EUR 750 milyon ay saklaw ng 15% minimum effective tax rate sa bawat hurisdiksyon kung saan sila nag-o-operate.
Dahil naipatupad na ito sa ilang karatig-bansa, binigyang-diin ng DOF ang agarang pangangailangan na maisabatas ito upang hindi mawalan ang Pilipinas ng kita na maaaring mapunta lamang sa ibang bansa.
Ayon kay DOF Sec. Frederick Go.. handa ang kanyang ahensya na makipagtulungan sa kongreso at sa iba pang ahensya ng gobierno para sa pagpasa ng bata. | ulat ni Melany Reyes