Mabilis na na-terminate ang pagtalakay sa panukalang budget ng Office of the Vice President (OVP).
Si ACT Teachers Party list Rep. Antonio Tinio ang nag-mosyon para tapusin na ang talakayan sa plenaryo na kinatigan naman ng mayorya.
Paliwanag ni House Appropriations vice-chair Jose Alvarez, budget sponsor ng OVP, nakapagtanong naman na ang minorya noong committee hearings kaya’t napakiusapan na silang huwag nang magtanong sa plenaryo.
Bukod dito, bumaba pa nga ang panukalang budget ng OVP kaya bilang kortesiya ay mabilis itong tinapos.
Nilinaw din niya, na kaya si Asec. Lemuel Ortonio ang humarap at kumatawan sa OVP ay dahil sa may sakit si OVP Chief of Staff Zuleika Lopez.
Sa budget hearings kasi, hanggat maaari ay undersecretary level dapat ang haharap na opisyal ng ahensya kung wala ang head of agency.
Kabuuang ₱785.204 million ang panukalang pondo ng OVP para sa 2027. Mas mababa ito ng 11.7% sa kasalukuyang budget na ₱889.236 million.