Mayroon nang mahigit tatlong milyong family food packs na inihahanda ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) para sa mga local government unit (LGU) na maaaring mangailangan ng tulong.
Ito ay bilang paghahanda sa bagong LPA na inaasahang papasok sa Philippine Area of Responsibility ngayong linggo.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, may posibilidad na lumakas ang LPA at maging bagyo.
May nakalaan ding ₱101.36 milyong Quick Response Fund para sa disaster response operations.
Samantala, mahigit ₱2.6 bilyong humanitarian assistance na ang naipamahagi ng DSWD sa mga lugar na naapektuhan ng mga nagdaang sama ng panahon.
Patuloy din ang koordinasyon ng ahensya sa mga LGU para matukoy ang pangangailangan ng mga residenteng nasa evacuation centers.