Photo courtesy of Senate of the Philippines
Binigyang-diin ni Senate Impeachment Court Presiding Officer Chiz Escudero na nasa kapangyarihan ng impeachment court ang pagpapasya kung papayagan ang pag-withdraw ng isang impeachment article, at hindi lamang ito desisyon ng prosekusyon o depensa.
Nilinaw naman ni Lead Defense Counsel Atty. Sheila Sison na hindi nila tinututulan ang pag-withdraw ng mga artikulo, kundi iginiit lamang na nasa pagpapasya ng depensa kung paano sila magpapatuloy sa paglalahad ng kanilang ebidensya.
Gayunman, sinabi ni Escudero na ang anumang mosyon ng prosekusyon ay mananatiling nakasalalay sa pasya at discretion ng hukuman.
Ayon kay escudero, oras na maihain na ang articles of impeachment sa korte, anumang reklamong inihain dito ay subject at under jurisdiction na ng korte at hindi ng anumang partidong sangkot dito.