Photo courtesy | Taiwan President Lai Ching-te Official X Account
Tinututulan ng Estados Unidos ang anila’y “coercion” at “aggression” ng China sa mga bansang nagpapatupad lamang ng kanilang karapatan sa soberanya.
Ginawa ng Amerika ang pahayag makaraang patawan ng sanction ng China ang ilang opisyal mula Belize at Paraguay mula sa patuloy na diplomatic relations ng kanilang mga bansa sa Taiwan.
Ayon kay U.S. State Department spokesperson Tommy Piggot, titindig ang Amerika sa mga kaibigan at partners nito, kabilang ang Taiwan, para sa pagsusulong ng magkasamang paglago, seguridad, at pagpapahalaga.
Ang Belize at Paraguay ay dalawa sa natitirang 12 bansa na may pormal na pakikipag-ugnayan sa Taiwan.
Matagal nang kinokondena ng Beijing ang bukod na pakikipag-ugnayan ng Taiwan sa ibang bansa dahil itinuturing nitong kabahagi ng China ang isla.
Binabara naman ito ng Taiwan at iginigiit ang kanilang sariling soberanya bilang isang bansa.