Pormal nang tinanggap ng Senate Impeachment Court ang pagbawi ng House Prosecution Panel sa Articles I, III, at IV ng impeachment case laban kay Vice President Sara Duterte.
Sa ruling ni Presiding Officer Chiz Escudero, nilinaw ng Impeachment Court na hindi buburahin o sisirain ang mga ebidensiyang naisumite para sa mga binawing artikulo.
Sa halip, magiging bahagi ang mga ito ng opisyal na record ng Senado habang dadaan sa pagsusuri at posibleng redaction ang mga dokumentong ilalabas sa publiko para maprotektahan ang bank secrecy at data privacy.
Binigyan naman ang prosecution ng hanggang October 23 para pormal na isumite ang mga ebidensiya para sa natitirang Article II o ang alegasyon sa unexplained wealth.
May 10 araw ang Depensa mula sa pagtanggap ng pormal na alok ng ebidensiya para magsumite ng mga komento at pagtutol. | ulat ni Nimfa Asuncion