Naglunsad ng mga hakbang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) upang maprotektahan ang mga bata laban sa online sexual abuse at exploitation.
Ito ang binigyang-diin ni DSWD Secretary Rex Gatchalian sa ASEAN ICT Forum 2026 on Child Online Protection na ginanap sa Grand Hyatt Hotel ngayong Nobyembre 4.
Ayon kay Gatchalian, nagiging mas lantad sa online risks ang mga bata dahil sa mabilis na pag-unlad ng digital technology.
Sa pamamagitan ng Project SAFE, nagbibigay ang DSWD ng komprehensibong tulong sa mga batang biktima ng Online Sexual Abuse and Exploitation of Children (OSAEC).
Kabilang dito ang proteksyon, rehabilitasyon at ligtas na pagbabalik sa kanilang komunidad. Binigyang-diin ng kalihim na hindi dapat matapos sa rescue ang pagtulong sa mga biktima, kundi matiyak din ang kanilang pangmatagalang kaligtasan at pagbangon.