Pinaiigting pa ng Department of Social Welfare and Development ang monitoring at mga hakbang sa pagtugon sa epekto ng El Niño.
Partikular dito sa mga komunidad na nakararanas ng kakulangan sa tubig at matinding init.
Inilahad ng Disaster Response Management Bureau ang mga kasalukuyang interbensyon at action plan sa ikaapat na pagpupulong hinggil sa El Niño Phenomenon 2026 noong Oktubre 30.
Ayon kay DRMB Assistant Director Atty. Antonio Gobrin,kabilang sa mga inilalatag na tulong ang pamamahagi ng water filtration kits, food at non-food assistance, at deployment ng mobile water treatment at water tanker units.
Pinalalakas din ang Project LAWA at BINHI para suportahan ang water security, food production, at pansamantalang pagkakakitaan ng mga vulnerable household.
Dagdag pa ni Gobrin,patuloy na minomonitor ng DSWD ang relief supplies, mga pangangailangan ng mga apektadong rehiyon, at implementasyon ng mga programa upang matiyak ang maagap na paglalaan ng tulong sa mga komunidad. | via Rey Ferrer