Pinai-imbestigahan na ng Department of Agriculture (DA) sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang impormasyon kaugnay sa umano’y fish cages sa bayan ng Sual, Pangasinan, na dahilan kung bakit humihina ang huli ng mga Pilipinong mangingisda sa lugar.
Ayon kay Communications Undersecretary Claire Castro, malinaw ang posisyon ng Marcos Administration sa usapin ng resources ng Pilipinas.
Dapat, ang mga Pilipino ang nakikinabang nito, at wala dapat na Pilipino ang naa-agrabyado o matanggalan ng karapatan sa pangingisda, lalo na sa sariling teritoryo ng bansa.
Sinabi ni Castro, ipinatatanggal na rin kalihim ang mga naturang fish cage, sa oras na mapatunayang illegal, lalo’t hindi maaaring mga dayuhan ang nakikinabang sa mga likas na yaman na pag-aari ng bansa.
“Sa mga nag-iimbestiga at nasimulan na po itong imbestigahan, tanggalin ninyo na po iyan kung ito ay walang permiso at ito ay labag sa batas. Huwag po nating pabayaan ang kapakanan ng ating mga mangisda, ang mga taong nakatira sa paligid na naaapektuhan ng mga illegal na fish cages na ito,” ani Castro.