Tumaas ng 5.7% ang external debt service burden o ang binabayaran ng bansa sa mga dayuhang pinagkakautangan.
Umabot ito sa US$9.26 billion dollars mula January hanggang August, kumpara sa US$8.76 billion noong nakaraang taon.
Ayon sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), mas malaking pondo ang kinailangang ilaan ng bansa sa pagbabayad ng prinsipal o mismong utang na pumalo sa mahigit US$4 bilyong, kahit pa bahagyang bumaba ang bayad sa interes.
Sa kabuuan, umabot na sa US$154.93 billion ang utang panlabas ng Pilipinas pagsapit ng kalagitnaan ng taon—kung saan halos 2/3 rito ay utang ng gobyerno, at ang natitira ay sa pribadong sektor.
Gayunpaman, ayon sa ilang local economist, hindi ito senyales ng financial stress o krisis, kung hindi repleksyon lamang ng lumalawak na pangungutang para tustusan ang mga proyekto sa bansa.
Una nang sinabi ni Executive Secretary Ralph Recto, na walang dapat ipag-alala sa utang ng bansa dahil mas maganda ang economic standing ng Pilipinas kumpara sa ibang bansa.