Naglabas na ang Movie and Television Review and Classification Board ng ratings sa mga pelikulang mapapanood ngayong unang linggo ng Nobyembre, kasama ang mga concert live viewing.
Mula PG o Parental Guidance hanggang R-16 ang ratings ng mga pelikulang sci-fi, action adventure at romantic comedy, ayon kay MTRCB Chairperson Lala Sotto.
Kabilang sa mga may PG rating ang “Buddy,” “Godzilla Minus Zero,” “Ramayana: Rise of a Legend” at “The Cat in the Hat.”
May PG rating din ang live viewing ng mga concert ng EXO sa Nobyembre 8 at Stray Kids sa Nobyembre 7.
Samantala, R-13 ang South Korean thriller na “Paradise Lost” at ang romantic comedy na “Wicker,” habang R-16 naman ang action film na “Hellhound” dahil sa graphic na karahasan.
Paalala ng MTRCB, dapat suriin ng mga magulang ang ratings ng mga pelikula upang matiyak na angkop ang mga ito sa edad ng kanilang mga kasamang manonood.