Kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Jonvic Remulla na walang anumang intensiyon na maghiganti ang pamilya ng mga nasawi dahil sa nangyaring shooting incident sa Banga National High School sa South Cotabato.
Ani Remulla, ang nais lamang malaman ng mga naiwang pamilya ng mga nasawi dahil sa insidente ay ang motibo at dahilan kung bakit nagawa ng estudyante ang pamamaril.
Mas matimbang umano sa mga naulilang pamilya ang malaman ang mga kasagutan at makamit ang hustisya.
Dagdag pa ng kalihim na nais lang din ng mga pamilya ng biktima na matigil na ang mga ganitong uri ng karahasan upang wala nang masawi pa sa mga ganitong uri ng insidente.