Iniulat ng Philippine National Police (PNP) na naging mapayapa at maayos sa pangkalahatan ang paggunita ng Undas 2026 sa buong bansa, matapos magtala ng zero major security-related incidents.
Umabot sa mahigit 59 milyong crowd estimate ang naitala sa 5,311 sementeryo, memorial parks at columbaria sa buong bansa.
Siyam lamang ang naitalang insidente, kabilang ang tatlong road crash, isang sea o air mishap, isang sunog at iba pang insidente.
Samantala, 7,146 na ipinagbabawal na gamit ang nakumpiska ng mga awtoridad, kabilang ang mga patalim, lighter, sigarilyo at vape.
Ayon kay PNP Chief PGen. Jose Melencio Nartatez Jr., naging susi sa mapayapang Undas ang paghahanda, police visibility at kooperasyon ng publiko.
Patuloy pang nakaalerto ang pulisya sa mga pangunahing kalsada at transport hubs para matiyak ang ligtas na pagbabalik ng mga biyahero.