Umaasa ang Lawyers for Commuters Safety and Protection na hindi maaapektuhan ang hanapbuhay ng mahigit 55,000 riders at serbisyo sa mga pasahero ng multang mahigit ₱500-milyon sa MOVE IT transport network company.
Pinatawan ng multa ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang kumpanya dahil sa paglabag sa rider cap, matapos lumampas ng 55,575 riders sa itinakdang limitasyon na 17,746.
Ayon kay LCSP President Atty. Ariel Inton, maaari pang maghain ng motion for reconsideration ang MOVE IT upang kuwestiyunin ang desisyon.
Iginiit din ng grupo na dapat pagtuunan ng LTFRB ang mga reporma sa motorcycle taxi industry, kabilang ang pagtatakda ng industry cap.
Posible ring patawan ng kaparehong multa ang iba pang motorcycle taxi companies kung mapatutunayang lumabag sa kanilang rider cap.