Iniulat na nakaranas ng light ash fall at amoy-asupre o sulfuric stench ang Barangay Quezon at Barangay Buluangan sa San Carlos City, Negros Occidental kasunod ng moderately explosive eruption ng Bulkan Kanlaon kaninang umaga, Hulyo 9.
Ayon sa City Disaster Risk Reduction and Management Office ng San Carlos City, naganap ang pagsabog ng bulkan alas-7:33 ng umaga.
Agad namang mino-monitor ng Operations and Warning Division ang sitwasyon habang ipinadala ang Emergency Response Team sa dalawang apektadong barangay.
Dahil dito, pinapayuhan ng CDRRMO ang mga residente sa paligid ng bulkan na magsuot ng face mask, manatili sa loob ng bahay, at ipagpaliban ang paglabas kung hindi naman kinakailangan upang maiwasan ang panganib dulot ng volcanic ash at ibang epekto ng pagputok ng bulkan.
📷 San Carlos DRRMO