Nagpapatuloy ang mahigpit na pagbabantay ng mga lokal na pamahalaan at Local Disaster Risk Reduction and Management Council (LDRRMC) sa Negros Occidental upang matiyak ang kaligtasan ng publiko sa kabila ng mga pag-ulan na dala ng Habagat na lalong pinalalakas Bagyong Inday.
Nagpapatuloy din ang pagpapaabot ng tulong sa mga pamilya na apektado ng mahabang pag-ulan.
Batay sa inisyal na tala, 55 may pamilya o 165 residente sa Isabela ang lumikas sa mga evacuation center.
Sa La Castellana, hindi bababa sa sampung pamilya ang lumikas dahil sa pangamba ng pagbaha.
Samantala, nagsuspende ng face-to-face classes ang hindi bababa sa dalawampung lokal na pamahalaan sa Negros Occidental ngayong araw.
Kabilang na rito ang Bago City, Binalbagan, Candoni, Cauayan, Don Salvador Benedicto, Himamaylan City, Hinigaran, Hinoba-an, Ilog, Isabela, Kabankalan City, La Carlota City, La Castellana, Moises Padilla, Murcia, Pontevedra, Pulupandan, San Carlos City, Sipalay City, at Valladolid.
Patuloy na pinapayuhan ang lahat sa Negros Occidental na manatiling alerto at handa sa magiging epekto ng Habagat.
📸 Mayor Miguel Angelo Yulo

