Nagpapatuloy pa rin ang malawakang relief assistance ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa mga pamilyang apektado ng El Niño sa iba’t ibang bahagi ng CARAGA region.
Ayon sa DSWD, mula September 17 hanggang 19, namahagi ang DSWD ng family food packs at malinis na tubig sa mga residente ng Carmen, Surigao del Sur, at San Jose at Basilisa sa Dinagat Islands.
Sa Carmen, 3,185 family food packs ang ipinamahagi. Sa San Jose naman, 9,020 family food packs, 9,020 na 10-liter na bottled water, at 5,000 jerry cans o refillable water containers ang naipamahagi.
Sa Basilisa, Dinagat Islands, nasa 6,493 family food packs naman ang ipinamahagi.
Kaugnay nito, mula September 10 ay naka-deploy na ang DSWD water tanker sa Butuan City para sa water rationing sa Barangays Masao at Villa Kanangga.