Naniniwala ang 33% ng mga Pilipino na bubuti ang ekonomiya ng bansa sa susunod na 12 buwan, batay yan sa Second Quarter 2026 Social Weather Station (SWS) survey.
Ayon sa SWS, katumbas ito ng net economic optimism na +10 na pasok sa kategoryang “Fair.”
Katumbas ito ng 24-point rebound mula sa -14 net economic optimism na naitala noong Marso.
Sa naturang survey, lumalabas naman na 24% ang nagsabing lalala pa ang ekonomiya sa susunod na 12 buwan habang 32% ang nagsabing mananatili itong pareho.
Tumaas naman ang net economic optimism sa lahat ng pangunahing lugar sa bansa kung saan pinakamataas ito sa Balance Luzon sa +18, sinundan ng Visayas sa +6, Mindanao sa +4 at Metro Manila sa -6.
Isinagawa ang survey mula June 20 hanggang 29, 2026, sa 1,200 adult Filipino respondents sa buong bansa.