Target ngayon ng Department of National Defense (DND) na bumili ng mga karagdagang BrahMos Missile Units mula India bilang bahagi ng pagpapalakas ng Pilipinas sa kakayahan nito sa pagtatanggol sa teritoryo
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr., mahalagang hakbang aniya ito dahil sa pagpapakita ito ng tiwala gayundin ng kumpiyansa ng India sa Pilipinas.
Ang BrahMos missile system ay isang long-range, ramjet-powered supersonic cruise missile na pwedeng iputok mula sa mga submarino, barko, at fighter aircraft.
Kaya naman, sinabi ng kalihim na nagsumite sila ng wishlist sa India upang madagdagan pa ang mga ito subalit kailangan ding i-angkop sa kasalukuyang estado ng mga imprastraktura ng bansa.
Bukod sa long-range missile system, patuloy din ang pagbili ng Pilipinas ng mga kagamitang militar mula sa iba pang kaalyadong bansa tulad ng South Korea, kung saan nakakuha ang bansa ng mga fighter jet at mga barkong pandigma.
Inihayag din ni Teodoro ang planong pakikipagtulungan ng Pilipinas at India sa larangan ng space technology.

