Iprinesenta na ni Ambassador Noel Mangaoang Novicio ang kaniyang kredensyal kay Vanuatu Acting Head of State Stephen Felix sa ginanap na seremonya sa Port Vila. Si Novicio ang magiging kinatawan ng Pilipinas sa Vanuatu, habang nakabase sa Suva, Fiji.
Sa kanilang paghaharap, binigyang-diin ni Ambassador Novicio na parehong bansang isla ang Pilipinas at Vanuatu—kaya magkatuwang nilang isusulong ang pangangalaga sa karagatan, paglaban sa climate change, at pagpapalakas ng boses sa United Nations.
Hindi rin nakalimutan ng ambassador ang halos 800 Pinoy na nagtatrabaho at naninirahan sa Vanuatu. Nagpasalamat siya sa mainit na pagtanggap ng gobyerno roon, at nangakong tututukan ang kapakanan ng ating mga kababayan.
Sa panig naman ng Vanuatu, bukas si Acting Head of State Felix sa mas malawak na pagtutulungan—lalo na sa edukasyon, kalusugan, agrikultura, at pagsasanay ng mga manggagawa.