BuCor
Pinapasuri na ni Bureau of Corrections o BuCor Director General Gregorio Pio Catapang Jr. ang pagkain at rasyon ng mga persons deprived of liberty sa San Ramon Prison and Penal Farm sa Zamboanga kasunod ng pagtaas ng bilang ng mga nasasawi sa kanilang infirmary.
Batay sa ulat kay Catapang, umabot sa dalawampu’t lima ang namatay mula November 1 hanggang 25—mas mataas kumpara sa walo noong Setyembre at sampu noong October.
Labing-walo sa mga nasawi ngayong buwan ang nakaranas ng hirap sa paghinga at pamamanas, na posibleng senyales ng kakulangan sa thiamine o sakit na beriberi.
Bukod dito,may isandaan at pitumpung aktibong kaso pa ng mga PDL na may kaparehong sintomas.
Dahil dito, umapela na si Catapang sa Department of Health sa Zamboanga para sa agarang suplay ng gamot at nutritional supplements.
Sa ngayon, nagsimula nang magbigay ng thiamine supplements ang medical team ng BuCor sa mga PDL na may sintomas habang patuloy ang imbestigasyon sa nutrisyon at rasyon ng pagkain sa pasilidad. | ulat ni Louisa Erispe